文字サイズ

Pagpapahiram ng Pondo sa Pag-aaral ng Prepektura ng Shiga - Gabay sa Sistema -

Batay sa ordinansiya, ginaganap sa prepektura ng Shiga ang pagpapahiram ng pondo sa pag-aaral (scholarship loan fund) sa mga estudyanteng nahihirapang pumasok sa senior high school sa mga kadahilanang pampinansiyal.

Mga aplikanteng nasasaklaw ng pagpapahiram ng pondo

Mga aplikanteng nasasaklaw ng pagpapahiram ng pondo
Mga aplikanteng nasasaklaw Estudyanteng pumapasok sa nasasakop na kategorya ng mga paaralang nakasaad sa ibaba Ang kanyang tagapag-alaga (magulang o tagapag-alaga ng isang menor de edad) ay naninirahan sa Shiga; Siya ay isang miyembro ng pamilya na tulad ng isa sa sumusunod (a) – (c): Isang pamilyang tumatangg
Mga nasassaklaw na kategorya ng kurso sa paaralan senior high school, pang-huling bahagi ng kurikulum sa paaralang sekondaryo, senior high school ng mga paaralan para sa mga may espesyal na pangangailangan, technical senior high school at advanced course sa isang vocational school

*Ang pagpapahiram ng pondo sa pag-aaral para sa mga estudyanteng papasok sa unibersidad, junior college, vocational school (hindi kasama ang advanced courses) ay ipinatutupad ng JASSO. Makipag-ugnayan sa JASSO para sa anumang katanungan sa pamamagitan ng inyong pinapasukang paaralan. *Kung ang tagapag-alaga ng estudyanteng nais na magpasa ng aplikasyon ay naninirahan sa labas ng prepektura ng Shiga, dapat na magtanong sa sistema ng pagpapahiram ng pondo sa pag-aaral sa nakakasakop na lalawigan kung saan ang tagapag-alaga ay naninirahan.

Halaga ng ipinapahiram na pondo, at iba pa

* Hindi tinatanggap ang aplikasyon ng paghiram ng pondo na para lamang sa pagpasok sa paaralan (enrollment funds).

Ipinahihiram na pondo (buwanang halaga)

Ipinahihiram na pondo (buwanang halaga)
Student commuting to school from home Student commuting to school from a location other than home
National or public school 18,000 yen 23,000 yen
Private school 30,000 yen 35,000 yen

Pondo para sa pagpasok sa paaralan (para lamang sa oras ng enrollment sa paaralan)

Batayang halaga

50,000 yen (magkapareho ang para sa pampublikong paaralan at pribadong paaralan)

Karagdagang pondo para sa pagpasok sa pribadong paaralan y to a private school

Ang halagang katumbas para sa bayad sa pagpasok sa paaralan (enrollment fee) (Hindi maaaring humigit sa halagang 150,000 yen)

Pundong pambili para sa mga elektronikong kagamitan (pang isahang-beses)

Halaga na katumbas ng mga gastusin na kinakailangan para sa pagbili ng isang elektronikong kagamitan, (gayunpaman, ang halaga ay limitado lamang hanggang 150.000 yen)

Panahong sakop ng pagpapahiram ng pondo

Ang pagpapahiram ng pondo para sa pag-aaral ay magsisimula mula sa susunod na buwan pagkatapos ng aplikasyon (matatanggap ang para sa buwan ng Abril kung Abril nagpasa ng aplikasyon), hanggang sa matapos ang ternino ng pagpasok sa pinapasukang senior high school (o hanggang sa panahon ng kanyang naipasok sa paaralan kung siya ay tumigil sa hindi maiwasang kadahilanan na tulad ng sakit, kapansanan, kalamidad, atbp.) Ang pondong ipahihiram para sa pagpasok sa paaralan ay tatanggapin lamang kung ito ay ipinasa sa buwan ng Abril.

Interes sa hiniram na pondo

Walang interes ang hiniram na pondo.

Kailan maaaring manghiram

Tatlong beses sa 1 taon: (i) pagkatapos ng pagsusuri (ii) bandang katapusan ng Setyembre; (iii) at bandang katapusan ng Enero. Ang pondo para sa pagpasok sa paaralan (enrollment funds) ay matatanggap na kasama ng unang pondo buhat sa hiniram na pondo sa pag-aaral.

Cosigner (Guarantor)

Kinakailangan ang isang (1) cosigner o guarantor (na ayon sa patakaran ay ang tagapag-alaga ng aplikante).Siya at ang nanghiram ay magkasamang may pananagutan sa pagbabayad ng hiniram na pondo.

Panahon at paraan ng aplikasyon

Panahon ng aplikasyon

Anumang oras, depende sa pangangailangan. (Ang aplikasyon para sa pondo sa pagpasok sa paaralan o enrollment fund, ay sa Abril lamang maaaring gawin. Gayundin, sa dahilang ang ipinahihiram na pondo ay limitado ayon sa nasasaklaw na badyet para rito, maaaring hindi na makapagpahiram ng pondo kung ito ay kapusin sa dami ng mga aplikante, o maaari ring itigil ang pagtanggap ng mga aplikasyon. )

Paraan ng aplikasyon

Punan nang husto ang application form para sa paghiram ng pondo sa pag-aaral, ilakip ang kinakailangang mga dokumento, at ito ay ipadala sa Shiga Prefectural Board of Education sa pamamagitan ng paaralang kung saan ang aplikante ay pumapasok.

Pagbabayad sa Hiniram na Pondo sa Pag-aaral

* Kung gagawa ng kahilingan, maaaring maipagpaliban ang pagbabayad sa hiniram na pondo kung matutugunan ang mga sumusunod na kinakailangan:

  1. Kung pumapasok sa isang senior high school , unibersidad, atbp.
  2. Kung kikilalanin na magiging lubhang mahirap ang pagbabayad ng hiniram na pondo sa pag-aaral dahilan sa sakit, tinamong pinsala, sakuna, o iba pang hindi maiwasang kadahilanan.

Pagpapasa ng Katunayan ng Pagkilala sa Pagkakautang

Kinakailangang magpasa sa Board of Education ng Katunayan ng Pagkilala sa Pagkakautang na nilagdaang kasama ng cosigner (guarantor) na tumutukoy sa buong halaga ng hiniram na pondo sa oras na makapagtapos sa paaralan na tulad ng senior high school o sa oras na maputol ang pagtanggap ng pondo. Maaaring hilingin ang pagbabayad ng buong halaga ng hiniram na pondo kapag hindi nakapagpasa ng nasabing katunayan.

Panahon ng pagbabayad

Ang hiniram na pondo, ayon sa ipinasang Katunayan ng Pagkilala sa Pagkakautang ay kailangang bayaran sa panahon na hindi hihigit sa 10 taon, simula sa susunod na buwan makalipas ang 6 na buwan mula sa araw ng pagtatapos sa senior high school o mula sa araw na putulin ang pagpapahiram ng pondo, at pipili ng paraan ng paghuhulog sa buwanan, tuwing ika-6 na buwan, o taunan. Ang nakatakdang panahon ng pagbabayad para sa buwanang paghuhulog ay sa huling araw ng bawat buwan, para sa tuwing ika-6 na buwan ay tuwing sa huling araw ng Hulyo at Nobyembre, at para sa taunang paghuhulog ay sa huling araw ng Nobyembre ng bawat taon. Ang pagbabayad ay maaaring gawin sa mga pinansiyal na institusyon sa pamamagitan ng pag-awas mula sa account ng magbabayad o direktang pagbabayad sa pamamagitan ng abiso (notification bill). Kung gagamit ng account transfer, ito ay dapat na gawin sa ika-25 ng buwan kung kailan nakatakda ang pagbabayad.

Kapag naantala sa pagbabayad

Kung hindi makabayad sa takdang petsa para sa hiniram na pondo sa pag-aaral, kailangang bayaran ang katumbas na 10.75% interes sa loob ng isang taon para sa halagang dapat na bayaran batay sa bilang ng araw ng pagkaantala ng pagbabayad, mula sa sumunod na araw pagkatapos ng takdang petsa hanggang sa araw na makabayad. Hihilingin rin ang madaliang pagbabayad sa natitira pang balanse sa hiniram na pondo.

Halimbawa ng halaga ng pondong matatanggap nang buwanan at ang halaga ng ibabayad (hulog)

tagalog5

* Ang pondo para sa pagpasok sa paaralan para sa pribadong paaralan ay kinakalkula ayon sa batayang halaga na 50,000 yen at 15,000 yen na karagdagang pondo sa pagpasok sa pribadong paaralan. Ang tunay na halaga ng karagdagang pondo para sa pagpasok sa pribadong paaralan ay katumbas ng halaga ng bayad sa pagpasok sa pribadong paaralan o enrollment fee (hindi hihigit sa 150,000 yen). * Tungkol sa mga pondo para makabili ng mga electronics device, nakalkula namin ang pinakamataas na halaga na 150,000yen.* Ang bilang ng buwan ng pagbibigay ng hiniram na pondo ay tinatantiya sa 36 na buwan, mula sa pagpasok sa paaralan na tulad ng senior high school, hanggang sa pagtatapos ng estudyante.

Mga dapat na tandaan

  1. Ang Pondo sa Pag-aaral ng Prepektura ng Shiga ay isang pagkakautang. Kinakailangang ibalik ang buong halaga ng hiniram na pondo sa pag-aaral pagkaraang ito ay matanggap. Sa oras ng aplikasyon para sa Pondo sa Pag-aaral ng Prepektura ng Shiga, isaalang-alang rin ang panahon ng pagbabayad para rito. A
  2. Ang resulta ng pagsusuri (screening) ay ipaaalam sa loob ng mga 2 buwan mula sa araw ng aplikasyon sa pamamagitan ng senior high school o paaralan kung saan ang estudyante ay pumapasok. Subalit kung ang kalakip na mga dokumentong kinakailangan sa aplikasyon ay ipinasa sa mga susunod na araw, o mayro
  3. Kinakailangang magpasa ng aplikasyon bawat taon kung nais na ipagpatuloy ang paghiram ng pondo sa pag-aaral. Taun- taon ay titiyakin kung ang aplikante ay nakakatugon sa mga iniatas na kondisyon sa paghiram ng pondo at pagpapasyahan kung maipagpapatuloy niya ito. Hindi magagarantiyahan ang pagpapatu
  4. Ang ipinahihiram na pondo ay limitado ayon sa nasasaklaw na badyet para rito. Dahil rito, kapag kinapos ang badyet dahilan sa dami ng aplikante, maaaring hindi na makapagpahiram ng pondo at itigil ang pagtanggap ng mga aplikasyon.

Para sa mga katanungan

Makipag-ugnayan sa senior high school o sa paaralang pinapasukan.

Forms

お問い合わせ
教育委員会事務局 教育総務課 修学支援係
電話番号:077-528-4587
Adobe Readerのダウンロードページへ(別ウィンドウ)

PDF形式のファイルをご覧いただく場合には、Adobe Readerが必要です。
Adobe Readerをお持ちでない方は、バナーのリンク先から無料ダウンロードしてください。