文字サイズ

Tungkol sa pagbabakuna para sa COVID-19

Pangunahing Impormasyon

Layunin

Ang bakuang ito ay ipinapamahagi upang, hanggang maari, ay mabawasan ang dami ng mga namamatay at ng mga may malubhang kaso ng COVID-19 at tutungo sa resulta ng pag-pigil ng lalong pagkalat ng sakit.

Beses ng pag-bakuna

2 beses (Para sa kasalukuyan na mga bakuna na plano iturok)

Presyo ng pagpapabakuna

Libre (Bayad gamit ng pampublikong pondo)

Mga taong naaangkop sa pagpa-bakuna

Pagpapasyahan ang prayoridad ng pagbabakuna at ipagpapatuloy ang pagturok batay sa desisyon na ito.

Prayoridad ng pagbabakuna sa araw ng Enero 25, 2021

(1) Mga medikal na manggagawa atbp.

(2) Mga may edad (na umabot sa 65 taong gulang o mas matanda sa taon ng 2021. Mga ipinanganak bago ang Abril 1, 1957)

(3) Mga may edad na may mga underlying na medikal na kondsiyon at mga taong empleyado ng mga institusyon para sa mga matatanda.

(4) At iba pang tao (* Depende sa dami ng natitirang bakuna. Mas mabibigyan ng mataas na prayoridad ang mga taong 60~64 na taong gulang)

Mga bakuna na sa kasalukuyan ay maaaring ipaturok.

Bakuna gawa ng Pfizer COMIRNATY intramuscular injection

Ang mga taong 16 na taong gulang pataas ay angkop para makatanggap ng bakunang ito.

Pinapakiusap namin na magkonsulta muna sa doktor ang mga buntis upang sapat na timbangin ang mga kahalagahan at panganib na maaring pasanin sa pagbabakuna at magpasya lamang pag sapat na ninyong naintindihan ang mga nilalaman nito.

Gayundin, hinihingi din namin ang parehong pagiintindi ng mga kahalagahan at panganib ng pagbabakuna sa mga nanay na nagpapagatas bago sila magpasiya na mag paturok.

Pagsisimula ng pagbabakuna

Sa pagkakataon na maaprubahan na ligtas at epektibo ang mga bakuna at ang mga ito ay handa na maibigay, plano naming magpatuloy sa pagbabakuna alinsunod sa prayoridad ng pagbabakuna na nakalaan sa itaas..

Lugar ng pagbabakuna

Sa prinsipyo, ang pagbabakuna ay matatanggap sa medikal na institusyon o mga lugar ng pagbabakuna sa munisipalidad na kinalolooban ng tirahan na nakarehistro sa iyong residence certificate.

* Para sa mga taong nagtratrabaho sa medisina, ipapaalam sa lugar ng trabaho kung saan sila makakatanggap ng kanilang bakuna

 Bilang karagdagan para sa mga sumusunod na tao, ay maaring magpabakuna sa labas ng kanilang munisipalidad ngunit, sa prinsipyo ay kailangan muna na ipaalam gamit ng abiso sa munisipyo sa nais nilang pagpabakunahan.

 Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa call center ng iyong munisipyo.

Ang mga taong maaring magpabakuna sa lugar sa labas ng kanilang munisipyo:

・Pagkaospital, Manunuluyan

・Mga taong may underlying na sakit at nais magpabakuna sa kanilang suki na doktor.

・Ang mga napinsala sa sakuna

・Mga bilanggo

・Mga buntis na umuwi sa kanilang bayan upang manganak.

・Mga nakatira hiwalay sa kanilang pamilya

・Mga magaaral na naninirahan sa malayong lugar

・Mga biktima ng domestic violence, stalker, at pang-aabuso.

・Mga taong naapruba ng mayor dahil sa mga hindi maiwasan na dahilan 

Mga taong hindi nangnangailangan ng abiso

・Pagkaospital, Manunuluyan

・Mga taong may underlying na sakit at nais magpabakuna sa kanilang suki na doktor.

・Ang mga napinsala sa sakuna

・Mga bilanggo

・Iba pang mga tao na magpapabakuna sa labas ng kanilang munisipalidad at ay hirap na mag pasa ng aplikasyon sa munisipalidad na ito.

 

* Sa karagdagan, para sa mga taong mataas ang prayoridad ng pagbabakuna tulad ng medikal na manggagawa o kaya mga empleyado ng mga institusyon para sa mga may edad, ay maaaring makatanggap ng bakuna gamit ng vaccine screening form. Ang mga manggagawa na ito ay maaring magpabakuna sa labas ng kanilang munisipyo kahit walang abiso.

Ang kasalukuyang kalagayan ng mga nakumpirmang side-effect.

Sa kasalukuyan ang ay sisnisigurado parin ang mga side-effect ng mga binubuong mga bakuna. Subalit sa lahat ng mga bakuna na mula sa ibang bansa at planong ipamahagi dito sa Japan, ay may mga naulat na mga kaso sa mga publikasyon at ay hindi agad mauugnay ang dahilan sa pagbakuna tulad ng pananakit ng lugar na tinurukan, pananakit ng ulo, panghihina, pananakit ng kalamnan at iba pang malubhang karamdaman. Sa karagdagan, may iniulat na bihirang pagkakaroon anaphylaxis (biglaang na reaksyon ng allergy) sa mga tumanggap ng bakuna. Naghahanda ang mga lugar na pagpapaturok ng bakuna sa mga pagkakaroon kaso ng anaphylaxis at gagawing lunasan agad ito.

 

Tanggapan para sa mga konsultasyon tungkol sa mga side-effect

Para sa propesyonal na konsultasyon para sa mga side-effect, mangyaring tawagan ang Shiga Prefecture Coronavirus Vaccine Consultation Desk. Subalit, sa kasalukuyan, hindi namin magagawang tumanggap ng mga tawag sa mga wika maliban sa Hapones. Gawing makiusap sa kakilalang marunong maghapones o kaya ay mag-tanong mula sa FAX o email.

 

Shiga Prefecture Coronavirus Vaccine Consultation Desk

Oras ng pagtanggap: 9:00 am hanggang 5:00 pm (Kasama din ang Sabado, Linggo, at mga araw ng pagdiriwang)

Telepono: 077-528-3588

Fax: 077-528-4867

Email: [email protected]

 

* Maki-ugnay saamin kung magtatanong tungkol sa mga side-effect o kaya sa mga konsultasyon na nangangailangan ng medikal na kaalaman. Upang maiwasan ang pagiging sobrang busy ng mga linya ay pinapakiusap namin na idirekta niyo ang inyong ibang tanong sa call center ng inyong munisipalidad.

Sistema ng Paglunas para sa mga Naapektohan ang Kalusugan

Handa kaming magbigay lunas, sa mga taong maapektohan ang kalusugan dahil sa mga side-effect ng pagbabakuna ayon sa batas para sa pagbabakuna.

Ang Sistema ng Paglunas ay ang pagtugon ng mga medikal na institusyon upang gamutin ang mga naapektohan ang kalusugan mula sa pagbakuna at pagkuha ng mga ito ng lunas ukol sa Batas Tunkgol sa Pagbabakuna (bayad sa pagpagamot / pagbahagi ng pensyon mula sa pinsala)

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Ministry of Health, Labour at Welfare.